Wala akong ibang iniisip gawin nung pinasok ko 'to kundi mag-aral at magready para sa future ko. Ni hindi sumagi sa isip ko na magkalovelife. Crush oo syempre. Pero love? Di ko iniitindi. Dahil sabi ko sa sarili ko noon simula nung nagbreak kami nung latest ex ko "maghihintay ako. hindi maghahanap. MAGHIHINTAY." Pero... eto na ba yon? Yung hinihintay ko? (I've been roaming around always looking down at all I see~) (chos konek?!?) deh seryoso na.
May mga taong dumarating sa buhay natin ng tahimik pero malalim pala yung magiging epekto sa atin in the long run. Alam nyo yung taong biglang babaguhin yung pananaw mo sa love? sa life? in a positive way. Yung taong hindi mo kailan man inisip na magugustuhan mo pero ngayon... mahal mo na. Love moves in mysterious ways nga naman. Kakaiba ang tadhana. Classmates na kami nung first sem pa lang pero sa isang subject lang. Never ko syang napansin. Naeepalan pa nga ako doon eh. Hahahahahahaha! Sobra! Kung alam nyo lang. Finals. Magkagroup kami sa Aerobics. Kairita. Di man lang sya pumunta sa ni isang practice. Paimportante amp! Pero second sem magkablock na kame. I don't know pero naexcite ako nung nalaman kong kaklase ko silang magtotropa. Palagi syang nagtatanong ng homeworks sa chat sa akin. Syempre school thing naman so pinapansin ko. Pero para pala sa kanya may meaning na yon. Hahahahahaha! Pinupuri nya na ako. Maganda raw. Mabait. Matalino. But I don't feel the kilig kasi feeling ko sinasabi nya lang yon kasi sinasagot ko yung mga questions nya about sa school. Napansin ko sya nung minsan ko syang tinitigan tapos tumawa sya tapos.. oh my gash bakit ako nacute-an.. HAHAHAHAHAHA! Tapos kapag nagrerecite kasi sya, buo yung confidence. Yung appeal andoon eh. Hala. Crush ko na ata 'to ah. Lagi ko nang tinititigan eh. Di naman sya kapogian. Pero hindi ko alam. May something sa personality nya, sa pagkatao na nakaattract sa akin ng sobra. Pero I'm not telling any of my friends about it kase parang dati lang lagi kaming naiinis sa kanya. Pacute eh! So yon sinarili ko na lang. But one night. Nagtanong ulet sya about sa homework and ewan ko bakit ko nabanggit na kinikilig ako sa Forevermore.. maybe I just want the conversation to flow continuously kasi nga interesado na ako. Tapos sabi ko pa,
"Namiss ko na magkalovelife."tapos ayon nagkaclue tuloy sya. hanggang sa sinabi nya sakin na gusto nya ako... di ko alam yung sasabihin ko non pero it feels right na umamin, and so I did. So alam na. Mutual. Hindi ko naman alam na grabe pala magtyaga 'tong taong 'to. Lalo ko sya naging crush. Sa kanya, hindi ko nafifeel na hindi ako enough. Alam nyo yung palagi nyang sinasabi kung gaano ako ka-awesome bilang isang tao at sobrang nakakataas ng self-esteem na may nakakaappreciate pala sayo at sa kasimplehan mo. May nakakapansin pa rin pala. Oo maraming nakakapansin nung panlabas eh. Pero yung willing kang kilalanin ng buo, as in buong pagkatao at kung ano man yung malaman nya about sayo eh tatanggapin ka pa rin. Madalang yung ganong tao eh. I don't meet someone like that everyday. So papakawalan ko pa ba? I don't even know kung bakit ko sya minahal but with him, I just feel safe, happy and contented. I guess that's what love is, a mystery. You'll never know why or how it happened but it definitely feels right. Sabi nila, pag may mahal ka raw at di mo alam kung bakit, wag mo nang pakawalan. Dahil di mo naman kailangan ng rason sa pagmamahal, paano kapag nawala yung rason na yon, edi pati yung love mawawala rin? Di ba? Kaya ako hangga't masaya ako, masaya kami, hahayaan ko lang ang flow ng buhay at ako na mag a-adjust. I know kaya ako nilagay ni Lord sa pwestong 'to dahil alam nyang para sa akin talaga 'to. Pero kung di man eto yung hinihintay ko noon pa man, it's okay dahil alam kong marami kaming natutunan at matutunan pa sa isa't isa at higit sa lahat, masaya kami. No matter what everyone says, MASAYA KAMI AT WALA SILANG PAKE. :)